Nursing Student, Hindi Pinagmartsa Kahit Bayad sa Graduation Fee!



Viral ngayon ang kuwento ng binatang si John Marcelino Rosaldo, Nursing graduate ng Lorma Colleges sa San Fernando, La Union. Ginanap ang graduation ceremonies nitong June 23, 2022. Pero ang dapat sana ay masayang araw para kay John at sa kanyang pamilya ay napalitan ng lungkot nang pigilan umano siyang umakyat ng stage at makamartsa.



Sa social media idinaan ng kapatid niyang si Celene Rosaldo ang pangyayari. Ipinost ni Celene ang ilang videos sa kanyang TikTok account. Ipinost ni Celene ang maiksing video na kuha habang nagaganap ang seremonya.

Caption niya: "Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di naconfirm payment mo sa grad fee."

Malinaw na tinutukoy rito ni Celene ang kanyang kapatid na si John.





Nahagip sa video ang mukha ni John na nakatoga at may caption na : "Di naman masaket [crying emojis]"

Kasunod nito ay ipinost ni Celene ang video niya, ni John, at kanilang ina na nasa loob ng kotse.

Mahihinuhang tapos na ang graduation ceremonies.




Caption ni Celene: "My brother just graduated but my mom cried coz the school did not allow him to get his diploma up the stage."

Detalye pa niya: "He has already paid his grad fee the day before his grad but the school didn’t confirm his payment. That’s the f*cked up part."

No comments