Nora Aunor, Nagpasalamat sa mga Taong Ipinaglaban Siya Para Maging National Artist!


Labis ang kasiyahan ni Superstar Nora Aunor nang matanggap niya ang panibagong karangalan. Kasama si Nora sa listahan ng mga katangi-tanging alagad ng sining ng ginawaran ng prestehiyosong pagkilala bilang 'National Artist' ng bansa ng NCCA o National Commission of Culture and the Arts. Hunyo 10, nang ianunsyo ni NCCA Head Nick Lizaco ang paghirang kay Nora bilang National Artist na ginanap sa MalacaƱang.



"Wala pa akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso at para po sa ating lahat," pasasalamat ni Nora.

Gayun din ang mga taong ipinaglaban siya para makuha ang nasabing award, "Sa mga taong nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinangarap na ako’y mahirang na isang National Artist for Film."





"Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon, sa MAMA at PAPA ko, sa aking pamilya at mga anak, lalo na sa mga pinakamamahal kong mga fans at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila, mula noon hanggang ngayon," dagdag niya pa.



"Maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito."

No comments