Namasukan Bilang Yaya Para Makapag-Aral, Cum Laude at Top 1 sa LET!



Sulit ang lahat ng pinagdaanang pagsubok at lahat ng sakripisyo ni Maricris Colipano nang makamit niya ang kanyang pangarap. Si Maricris lang naman ang hinirang na Top 1 sa nagdaang March 2022 Licensure Examination for Teachers (LET) elementary level at nakakuha ng 92.40 percent rating. Siya ay mula sa Brgy. Upper Natimao-an, Carmen, Cebu.




Nag-aral si Maricris sa Cebu Technological University (CTU) Carmen campus. Isang inspirasyon na maituturing itong si Maricris. Isang Barangay Health Worker ang kanyang ina samantalang ang ama naman niya ay isang magsasaka. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay hindi agad nakapag-aral ng kolehiyo nang magtapos siya ng high school.

Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya, nagsumikap siya mag-ipon para sa pampaaral sa kanyang sarili at makatulong sa pamilya.




Namasukan si Maricris bilang yaya at nang mag-18 ay namasukan siya sa isang kumpanya sa Danao City. 2016 nang nag-enroll si Marcris at nagtapos siya sa college bilang cum laude.

"Ako gud dili man gud ko hilig anang Facebook ba, so wala gyud ko kabaw nga niadtong Biyernes ang resulta. Nag-online man akong manghod nya gi-chattan man siya sa akong classmate. (Hindi ako ma-Facebook na tao kaya hindi ko alam na lumabas na ang resulta noong Biyernes. Nag-online ang kapatid ko at nalaman namin ang resulta dahil nag-message sa kanya ang isang classmate ko)," saad ni Maricris.

Ang buong akala niya ay May 9 pa ang labas ng resulta kaya hindi siya agad naniwala.

Tuluyan lang siyang naniwala nang i-post ng kapatid niya ang resulta mula sa website ng Philippine Regulation Commission (PRC).

Marami ang mga job offers na natatanggap ngayon ni Maricris mula sa kanyang eskwelahan maging sa review center kung saan siya nag-enroll.

Makakatanggap rin ng monetary reward ang dalaga mula sa kanyang eskwelahan dahil sa pagiging topnotcher sa nagdaang LET. Isa sa mga goals niya ay ang magturo sa public school at habang hindi pa siya employed ay kasalukuyan siyang voluntary teacher.

"Ako sad gyung pangandoy kung makapasar ko nga mag-volunteer teacher bitaw. Kay nakasuway man ko ug ingon ana sir pag-fourth year nako ba. (Ang gusto ko pag nakapasa ako ay maging isang volunteer teacher kasi nagawa ko iyan noong fourth year ko sa pag-aaral.)

"Nindot baya pod sa feeling nga makatabang sa mga bata ba nga dili kaayo ganahan mo-eskwela. (Masarap po sa pakiramdam na makatulong sa mga bata na walang interes pumasok sa paaralan.)"

No comments