Nahusgahan at Napag-Iwanan na Daw ng Mga Ka-Batch, Top 2 sa CPA Board Exam!



Hindi inaasahan ni Yanna Jillianne B. Cruz na mapapasama siya sa Top 10 sa May 2022 Certified Public Accountant Licensure Examination. Nakuha ni Yanna ang ikalawang pwesto na may rating na 88.17 percent. Si Yanna ay nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy sa Polytechnic University of the Philippines Manila Campus.



"This is it!! After sooooo many attempts to take the board exam, CPA na ako & may bonus pa!

"Sabi ko sa sarili ko after I graduated last May 2019, na I will only write a long caption after I passed my board exam. Who would have known I'd only be doing this after three long years?" pagbabahagi niya.

Natagalan kasing kumuha ng exam si Yanna dahil sa takot at pangamba. Malaki kasi ang expectation ng mga taong nakakakilala sa kanya.



Nang magtapos ng kolehiyo sa Yanna noong 2019 ay hindi pa siya kumuha ng licensure exam.

"I always wonder, why does it have to be this way? Why do I have to be delayed for so so long?

"I really thought it was a big mistake na I skipped that exam."

Dahil sa kanyang naging desisyon, pakiramdam niya ay napag-iwanan siya ng mga ka-batch.

"I was so lost. I had to endure all the judgments. It's so painful to think that I am such a failure. I was definitely unmotivated because of the uncertainties."

Noong 2020 at 2021 naman ay hindi rin siya nagtangkang kumuha dahil sa pandemya.




Pagtatapat pa ni Yanna, "Hindi ko rin ipinaalam na mag-e-exam ako this May 2022 because I don't want to disappoint anyone."

Ngunit kahit na nauna na ang kanyang mga ka-batch na kumuha ng exam at nang maovercome na niya ang takot sa pagtake ng exam ay hindi naman siya nabigo.

"I never gave up. I am so proud of myself for never giving up on my dream. Sabi nga ng isa kong kaibigan, ako ang perfect definition ng patience and perfect timing.

"Lahat tayo merong pinagdadaanan. Pero true, trust the process. We may not see it now, pero it will make sense soon. Basta huwag susuko."

Payo naman niya sa mga gustong kumuha ng accountancy, "Hindi magiging efficient and effective ang performance natin at hindi rin po tayo magiging productive if our body and mind are not in a good condition."

Sa ngayon, plano ni Yanna na palawakin ang kanyang professional skills sa auditing. Kasalukuyan siyang employed bilang audit associate sa isang auditing firm.

No comments