Masayang Baby Gender Reveal, Naging Malungkot na Ending!



Viral sa TikTok ang isang video kung saan ibinahagi ni username Lilian Deang sa kanyang account ang sinapit ng kanyang anak. Sa ilang segundo ng video, ipinakita ni Lilian ang clip ng gender reveal ng kanila sanang first baby at sa huli ng video, ipinakita niya ang larawan ng burol ng kanyang baby. Umabot sa mahigit 13 million views ng naturang video.




Simple at masayang pamilya lang ang pangarap ni Lilian at ng kanyang asawa. Ngunit naging malungkot ang wakas ng pinapangarap nila dahil binawian ng buhay ang kanila sanang baby boy sa loob ng sinapupunan ni Lilian.

Tatlong araw na ang lumipas nang malaman nilang wala ng buhay ang kanilang baby na nasa sinapupunan niya.




"Cord coil po kinamåtay nya. Nung nalaman namin 3 days na syang påtay sa tummy ko."

Marami naman ang nakidalamhati sa mag-asawa lalo na at masakit ito dahil first baby nila ito.

"Oh no. So sorry for your loss mommy. Sobrang hirap mamatåyan ng anak. I do feel your pain also lost my first born child. Prayers to your family," komento ni username Monica Cruz Mangulabnan.

No comments