Marcelito Pomoy, Binigyan ng Maayos na Tirahan ang Isang Lola!



Isang mahusay na mang-aawit si Marcelito Pomoy. Marami ang humanga sa kanyang ng magwagi siya sa America's Got Talent: The Champions at nakuha ang ikaapat na pwesto. Hinanggan siya muli ng mga tao, hindi lang bilang singer kung hindi dahil bilang good samaritan. Maraming natanggap na biyaya si Marcelito at ito ay ibinibigay naman niya sa ibang tao.



Ibinahagi niya sa kanyang Youtube Channel ang video kung saan mapapanood ang pagtulong niya sa isang matandang babae.

Si Lola Aurora Verano ay naninirahan sa maliit at masikip na barung-barong. Isinakatuparan ni Marcelito ang pangarap ni Lola Aurora na magkaroon ng maayos na tahanan sa loob lamang ng apat na araw.





Ang unang ginawa ni Marcelito kasama ng kanyang mga kasamang construction workers ay giniba ang bahay ni Lola Aurora upang pagtayuan ng mas maayos na tirahan. Tulung-tulong na itinayo ang mga haligi ng bagong bahay ni Lola Aurora at nilagyan ng abgong bubong.

Bukod sa pagtayo ng bahay ay binigyan din ni Marcelito ng mga gamit sa bahay si Lola Aurora tulad ng lamesa, upuan at komportableng higaan.



Mayo 4 nang makalipat si Lola Aurora sa kanyang bago at mas komportableng bahay. Labis naman ang kasiyahan ni Lola Aurora sa tulong na ibinigay sa kanyang ni Marcelito.

No comments