Katutubo sa Negros Occidental, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude!



Nagbunga ang pagtatanim at pagbebenta ng bulaklak ng mga bulaklak ng isang katutubo na nangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Siya si Nelly Ambrocio, nagtapos sa Catholic Ming Yuan College (CMYC) sa Murcia, Negros Occidental nitong Mayo bilang magna cum laude. Nakakuha siya ng General Weighted Average na 92 percent at ginawaran ng Leadership Award.




Si Nelly ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Agriculture. Mula sa Negros Occidental si Nelly at isa siya sa mga katutubo sa kanilang komunidad. Ang pangunahing pinagkakakitaan ng kanyang pamilya ay ang pgatatanim. Katuwang si Nelly ng kanyang mga magulang na sina Nestor at Josefina sa pagsasaka. Kapag sasapit na ang Sabado ay doon sila namimitas at nagbabalot ng mga bulaklak. Tuwing Linggo naman nagtitinda si Nelly ng mga bulaklak.





Kumikita sila ng P1,500 hanggang P2,000 na sapat para matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Isa si Nelly sa nakatanggap ng full scholarship mula kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson at sa local government.

At nang makapagtapos sa kolehiyo bilang isang magna cum laude ay binigyan pa siya ng reward ni Gov. Lacson na nagkakalahaga ng P12,000.

No comments