Iya Villania-Arellano, Nanganak na sa Kanyang Baby No.4!



Ibinahagi ni Iya Villania-Arellano ang isa video clip kung saan tila sumasayaw siya suot ang hospital gown habang hawak ang IV stand. "Let's induce this labor, ladies and gentlemen," ani ni Iya sa kanyang istagram strories. "Despite this being my 4th delivery, this one is my longest one yet," ani naman niya sa kasunod na strory.




Nanganak na ngayong Sabado, Hunyo 4, 2022 si Iya sa kanilang ika-apat na baby ni Drew Arellano. Ibinahagi naman ni Drew sa instagram ang larawan ng kanyang mag-ina na may caption na "All we need is LOVE. Love is all we NEED."

Sa hiwalay na post ay ibinahagi ni Drew ang larawan ng kanilang baby boy na si Baby Astro. "June 4, 2022. 4:39pm. ASTRO PHOENIX V. ARELLANO," ani ni Drew sa post.





Ika-apat na anak na nila Iya Villania at Drew Arellano si Baby Astro. Sila Primo (5-anyos) , Leon(3-anyos), at Alana(1-anyos) ang mga anak ng mag-asawa. Marami ang bumati sa mag-asawa sa panibagong blessing na natanggap nila.

No comments