Herlene Hipon, Emosyonal Nang Mabili Ang Pinakaunang Sasakyan!



Unti-unti nang natutupad ni Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl ang kanyang mga pangarap hindi lamang para sa kanya kundi pati na sa kanyang pamilya. Kilala sa pagpapatawa si Herlene nang magsimula siya sa programa noon ni Willie Revillame. Marami ang natuwa sa kanya at marami din ang tila nakaka-relate sa kanyang buhay.



Simpleng babae lamang si Herlene, walang arte pero madiskarte. Breadwinner din si Herlene at siya lahat ang gumagastos sa lahat ng bayarin ng kanyang pamilya.

Aminado siya na nag-back to zero siya nang magpand3mya at mawala sa show. Naubos umano ang naipon niyang pera at umaasa lamang siya noon sa paraket-raket. Hanggang sa nagkakilala sila ni Wilbert Tolentino, talent manager niya at ni Madam Inutz.





Simula nang maging manager niya si Sir Wilbert ay nagsimula na muli siyang makabangon. Pinasok na rin niya ang pagba-vlog at sa unang beses niyang sumahod sa Youtube ay bumili na siya ng sasakyan. Ito ang kanyang kauna-unahang sasakyan.

"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa pangyayari mga kaSquammy. Dream come true at para akong nanaginip," ani ni Herlene.



Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at labis ang pag-agos ng kanyang mga luha dahil sa sobrang kasiyahan.

Narito ang kabuuang video:

No comments