Engineer Graduate, Topnotcher sa Dalawang Licensure Examination!



Maraming pinagdaanan na pagsubok si Engr. Jann Frey Pangilinan Pescasio bago siya maging topnotcher sa dalawang engineering licensure exams. Si Engr. Jann Frey Pescasio ay Top 5 sa April 2022 Registered Electrical Engineering Licensure Examination (REELE) habang Top 8 naman siya sa April 2022 Registered Master Electrician Licensure Examination (RMELE).




Nakakuha ng rating na 89.30% sa REELE si Engr. Frey at 88.00% sa RMELE. Mahusay as science si Engr. Frey kaya noon ay gusto niyang maging isang medical surgeon. Ngunit dahil sa kakulangan sa pinansyal ay nagdesisyon siyang mag-enroll sa malapit na unibersidad sa kanila sa Tanza, Cavite.

Nag-entrance exam si Engry. Frey sa Polytechnic University of the Philippines - Maragondon Branch at Top 7 siya sa pinakamataas na nakuhang score sa naturang test.

Ang ama mismo ni Engr. Frey ang nag-suggest na mag-engineer siya. Kaya naman siya ang kauna-unahang engineer sa kanilang pamilya.

Oktubre 2020 nang magtapos si Engr. Frey sa kolehiyo bilang First Ever Class Valedictorian at Magna Cum Laude.

Ngayon ay patuloy pa rin tinutupad ni Engr, Frey ang kanyang mga pangarap at buong pamilya niya ay sumusuporta sa kanya.

No comments