Carmina Villarroel, Nagluluksa sa Pagpanaw ng Kanyang Ama



Nagluluksa ngayon ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagpanaw ng kanyang ama na si Reggie Villarroel nitong Martes, Hunyo 7, 2022. Hindi sinabi ng aktres kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kanyang ama. Ibinahagi lamang ng aktres sa kanyang instagram post ang larawan niya habang yakap yakap ang larawan ng kanyang ama.



Ani ni Carmina sa kanyang isntagram post, "Will forever be your baby girl. I love you daddy regy. [blue heart emoji] I miss you already. [sad face emoji]"

Marami naman ang mga artistang nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa aktres kabilang na dito sina Pauline Mendoza, Edu Manzano, Dani Barretto, Pops Fernandez, Gladys Reyes, Amy Perez, at iba pa.

Kahapon, Hunyo 8, muling nag-post si Carmina ng update ukol sa pagpanaw ng ama. Makikita rito ang urn na pinaglagyan ng abo ng mga labi nito. Sa kanyang caption, inalala ni Carmina na noong araw, may ginupit na larawan ng isang bracelet ang ama mula sa isang pahayagan at ibinigay sa kanya.





Sabi raw ng kanyang mga kapatid, maaaring ito ang gustong regalo ng kanilang ama sa Pasko. Alam daw ni Carmina kahit wala na ang kanyang daddy sa mundo ay gagabayan pa rin siya nito. Suot din niya sa larawan ang bracelet at relong iniregalo niya sa ama noong nabubuhay pa ito.



Buong mensahe ni Carmina, 'When Daddy Regy saw the Philippe Charriol bracelet (the one I'm wearing) in the newspaper, he cut out the picture of it and gave it to me and my siblings and said that was what he wanted for Christmas.

"Daddy Regy, even if you're not here with us physically, you will always be here watching over me (also gave this watch to dad).”

No comments