Veteran Actress Angie Ferro, Nasa Kritikål na Kondisyon; Nangangailangan ng Tulong!



Isinugod sa ospital ang batikang aktres na si Angie Ferro. Sa Facebook post ng Sine Olivia Pilipinas kahapon, May 26, 2022, nakasaad na dumanas ng "minor accident" si Angie. Inirekomenda raw ng doktor na sumailalim siya sa CT Scan at X-ray at magpa-admit sa ospital. Hanggang sa ipinasok na si Angie sa Intensive Care Unit sa Qualimed Medical Center sa Bulacan dahil sa health condition nito.




Nakasaad din sa post na walang immediate family si Angie at umaasa lamang sa tulong ng mga malayong kamag-anak.

Umabot na raw ng PHP43,051.29 ang hospital bill as of yesterday.

Sabi pa rito, "Any amount you can spare will help her with her medicine and other medical bills."

Ang protegé ni Angie na si Noel Miralles ang nakasaad na contact person para sa donations ng mga nais tumulong sa aktres.




Ang donasyon ay maaaring ipadala via G-cash: 09926675389 o via bank transfer (Landbank) sa account ni Noel Miralles na may account number na 2726208398.

Si Angie, 84, ay bumida sa indie film na Lola Igna (2019) at nanalong best actress sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino. Na-nominate din siya bilang Gawad Urian Best Actress para sa parehong pelikula.

Madalas siyang supporting cast member sa mga pelikula tulad ng Darna at Ding (1980); Nora, Mahal Kita (1972), at Ta-ra-ra-dyin Potpot (1972). Supporting cast member din siya sa telebisyon kabilang ang Kapuso prime-time series na Amaya (2011-2012).

No comments