Robin Padilla, Binati ng Kanyang Ex-Wife: "To the father of my children, congratulations!"



Naging headline si Robin Padilla matapos niyang manguna sa 2022 senatorial race sa Pilipinas. Nag-react sa social media ang dating asawa ng action star na si Liezl Sicangco tungkol sa kanyang pagkapånalo. Binati ni Liezl si Robin, na tinawag niyang ama ng kanyang mga anak. Nanalangin din siya kay Allah na laging protektahan ang kanyang dating asawa at ang buong team nito.




May apat na anak si Robin kay Liezl – sina Queenie, Kylie, Zhireleen, at Ali. Sa kabila ng kanilang breakup maraming taon na ang nakalilipas, nanatiling civil sa isa't isa sina Robin at Liezl at in good terms sila sa kanilang apat na anak. Kasal na ngayon si Robin sa aktres na si Mariel Padilla at mayroon silang dalawang anak – sina Isabella at Gabriela.

"To the father of my children, Congratulations!!! May Allah always protect you and your team. Ameen"




Si Robin Padilla ay isang sikat na action star at endorser sa Pilipinas. Kasal siya sa actress-host na si Mariel Padilla. May dalawang anak ang aktor kay Mariel – sina Isabella at Gabriela. Siya rin ang ama ng aktres na si Kylie Padilla, ang asawa ni Aljur Abrenica. Si Robin ay tumatakbong senador sa 2022 Election. Batay sa bahagyang resulta ng Halalan, numero uno si Robin sa lahat ng kandidato.

No comments