Misis, Bagsak-Presyong Ibinenta Online Ang Mga Gamit ng Kanyang Mister na Nangaliwa!



Sa panahon natin ngayon talagang napakarami na ring pagbabago ang nangyari sa ating buhay. Kung noon ay hindi pa uso ang mga modernong gadget at iba pang mga kagamitan, at wala ring social media at maging ng internet, ngayon ay halos posible na ang lahat ng bagay.

Sa isang pindot na lamang natin ay tila ba abot na natin ang mundo. Ngunit kasabay ng mga magagandang pagbabagong ito ay ang mga hindi magagandang karanasan tulad na lamang ng naging karanasan ng isang misis na ito.



Si Jamille Margarita Galvez ay tubong Gapan, Nueva Ecija. Marami ang humanga sa kaniyang hindi lamang dahil sa pagiging madiskarte nitong online seller kundi dahil sa hindi pangkaraniwang dahilan niya kung bakit siya nagtitinda ng mga damit at sapatos online.

Marso 24, 2022 nang isagawa niya ang kaniyang sikat na online selling! Pumatok ito sa maraming mga netizens dahil ang kaniyang itinitinda ay ang mga gamit ng kaniyang mister na "sumakabilang-bahay" na.




Tipikal na nating nagagamit ang salitang sumakabilang-buhay para sa mga taong nasawi o pumanaw na. ngunit ang "sumakabilang-bahay" ay nangangahulugan namang nagloko at nagkaroon ng ibang kaluguyo ang isang tao. Sa kabila ng masakit at hindi malilimutang karanasan ni Galvez ay nagawa pa rin niyang maging katatawanan ang naturang usapin.

Maging ang kaniyang mga lines sa kaniyang online selling ay mga hugot talaga kung kaya naman bentang-benta ito sa mga viewers niya.

"Buy at your own risk. May sumpa ito sigurado. Magiging babaero yung BF o asawa ninyo!" Babala ni Galvez.



"Super mura lang, kasi di naman marunong magmahal yung may-ari." Dagdag pa niya.

"Lahat ng items ay matino pa, yung may-ari lang ang hindi." Banat niyang muli.

"Orig lahat ito walang fake. Di naman ako manloloko gaya nung may-ari." Nakakatuwang turan pa nito.

Marami ang bumili sa kaniyang mga paninda at marami din ang nagkomento at nagsabing tiyak na pagsisisihan ng kaniyang mister na nagloko ito. Hindi lamang kasi siya seksi at maganda, madiskarte pa sa buhay.

No comments