Herlene Nicole Budol, Ready Na sa Binibining Pilipinas 2022!



Sa latest profile picture ni Herlene Nicole Budol also known as "Hipon Girl" ay nagpapasalamat siya sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya simula noon hanggang ngayon na sasabak siya sa Binibining Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakapasok siya sa naturang pageant.



Umabot na sa 212k reacts, 5.6k comments at 7.5k shares ang kanyang larawan. Narito ang kanyang kabuuang post sa facebook:

"Di ko lubos ma icip na ang dating Hipon ngayon ay naka helera na sa Binibining Pilipinas 2022 ng Top 40 Official Candidate! yung pag join ko dto sa patimpalak may grace under pressure! Kaya mga Hiponatics, sana huwag nyo akong iwan hanggang sa dulo ah. kilala nyo ako bilang Hipon at bilang Squammy, bilang KaBudol...ilalaban ko eto ng patas. what you see before is what u get. pero ngayon....Ibang Hipon na Profile makikita nyo. nakakatuwa lang din at marami akong natatanggap na messages na pag iipunan nila ang ticket sa araneta para panoorin ako. yung totoo? My heart is full. Baka kayo pa ang mag pa SOLD OUT ng ticket sa Araneta para panoorin nyo ako at maririnig ko nalang ang hiyawan nyo ng "HIPON, HIPON, HIPON".





"Basta Mahalin nyo ako kung ano meron sa akin at very very soon meron akong e rereveal about my journey....tiyak mas lalo nyo ako mamahalin. naiiyak tlga ako habang ginagawa ko ang mensahe kasi i am a product of the broken family. We may not have perfect family....but together we are PERFECT! Marami pa kayong malalaman along the way. sa mga naka abang ng Journey ko, Maraming Salamat at sana Ma Inspire ko kayo.


"Ako nga pala si Binibini #8 - Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag bibigay ng kasabihan "Hanggat may buhay, may pag asa" And i........Hipon!

"Marami Maraming Salamat sa buong Hiponatics, Mga KaSquammy, KaHipon, KaBudol at mga bagong Followers na walang tigil pag Supporta kay Hipon Girl nyo! I love u all po ng Big Time!! Pangako indi magbabago si Hipon Girl nyo!"

No comments