Eddie Gutierrez, Emosyonal sa Kanyang Huling Pamamaalam kay Susan Roces!



Dumagsa ang mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa huling lamay sa burol ng namayapång Queen of Philippines Movies na si Susan Roces. Isa sa mga dumating ay ang matalik niyang kaibigan at dati niyang katambal sa mga pelikula na si Eddie Gutierrez. Nagbigay si Eddie ng kanyang mensahe at ipinahayag niya ay pagbabalik-tanaw kung paano sila nagkakilala ni Susan.



Kuwento niya, "Naging kaibigan ko siya for 60 years baka more, at lahat ikinukuwento ko sa kaniya, [siya rin lahat] kinukuwento sa akin, naging very very close kami."

"Sabi nga ng ibang fans 'Eddie hindi mo ba naging girlfriend si Susan?' sabi ko, 'Hindi, never kong niligawan si Susan.' sabi ko, 'We were just partners,'' saad niya.

Ibinahagi rin ng batikang aktor ang ilan mga sa naging huling pag-uusap nila ni Susan kung saan ay hindi na napigilan ni Eddie na maging emosyonal.





Aniya, "Hanggang 'yun nga noong birthday niya, parang all of a sudden naging malungkot siya. Tapos nagpaalam na kami sabi niya 'Take care.' Sabi ko, 'Ikaw din, take care. Mahal na mahal kita Susan.'”

"Ikaw din sabi niya, 'mahal kita'," umiiyak na sinabi ni Eddie.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, patuloy na naging madamdamin si Eddie habang sinasabi ang pamamaalam sa kaibigan.



Aniya, "Rocs [Susan Roces], Rocs, I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven, bye."

Inilibing ang mga labi ng namayapang batikang aktres nitong Huwebes, sa Manila North Cemetery, katabi ang mga labi ng kanyang asawa na si Fernando Poe Jr.

No comments