Celebrity Make-up Artist Fanny Serrano, Pumanåw na sa Edad na 74



Pumånaw na ang celebrity makeup artist na si Fanny Serrano noong Martes ng gabi, Mayo 10. Kinumpirma ni Maktin Miranda, na tumatawag sa sikat na makeup artist na kanyang ama, ang balita sa social media noong Miyerkules, na sinabing binawiån na ng buhay si Fanny bandang alas-9 ng gabi noong Martes "at the comfort of our home."




Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Maktin, "ang buong pamilya ay naaaliw sa katotohanan na marami sa inyo ang nagdiriwang ng kanyang buhay at nagbibigay pugay sa kung paano niya naantig ang buhay ng mga tao."

Thank you to this Man who nurtured, cared and loved me, the one I called Papa, this Man who taught me the true meaning of life," sabi niya.

Sa hiwalay na Facebook post, nagbigay pugay at nagpasalamat si Maktin kay Fanny.




"Thank you to this Man who nurtured, cared and loved me, the one I called Papa, this Man who taught me the true meaning of life," aniya.

"I AM PROUD TO BE YOUR DAUGHTER. Maulit man ang mundo, ikaw at ikaw pa din ang ipagdadasal ko na maging tatay ko. Curtains down, it's your final bow, but your LEGACY lives on forever," dagdag pa nito.

Ayon kay Maktin, gusto ng pamilya na panatilihing pribado ang mga bagay-bagay. "Pero we saw the outpouring of love para kay Papa," aniya. "We know he is a public figure at madaming gusto makiramay. Ayaw po namin tanggalin sa kanila ang karapatan na yun."

Ang mga detalye ng kanyang internment ay iaanunsyo sa sandaling maplantsa ng pamilya ang lahat.

"Sobrang nakaka-comfort sa puso na malaman my Papa served his purpose," dagdag pa niya.

No comments