Andrea Brillantes, Dismayado sa Naging Resulta ng Halalan 2022!



Nitong nagdaang kampanya ng mga kandidato sa Halalan 2022 ay ipinakita ng ilang mga celebrities at artists ang kani-kanilang pagsuporta sa napupusuan nilang kandidato. Si Andrea Brillantes, isang aktres, ay ipinakita ang pagsuporta kay VP Leni Robredo. Bago pa man magbotohan nitong Mayo 9, ay nanawagan siya na iboto si VP Robredo.




"Kaya ko sinusuportahan si Leni kasi sa kanya lang ako may tiwala na magiging ligtas at magiging posible ang pangarap ng mga mahal ko," aniya.

"At 'yung boto ko kay Leni, pruweba 'yun ng pagmamahal ko sa inyo. Kaya kung pareho tayong marunong magmahal, iboto natin si Leni Robredo," dagdag pa nito.

Nang lumabas ang resulta ng naging botohan ay nadismaya si Andrea sa mga tao.




"Seriously people??? Nasan mga utak nyo???" ani ni Andrea sa kanyang tweet nitong Mayo 9 sa ganap na 9:08 PM.

"Minsan mapapa wtf ka na lang talaga," dagdag pa niya.

"Wala na akong pake sa respect my decision eme na yan! Sorry pero nakaka disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!"

Umani naman ng iba't ibang reaksyon ang naturang mga tweet ni Andrea.

No comments