Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, Hinawalay na!



Labis ang lungkot na nararamdaman ngayon ng Kiefly fans nang lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nina Alyssa valedez at Kiefer Ravena. Sinabi ni volleyball superstar Alyssa na bigyan sana sila ng privacy ukol sa naging desisyon nilang paghihiwalay at nauna na ring nilinaw ni Alyssa na walang third party na na-involve sa nangyari.



"A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party," ayon sa inilabas na official statement ng agency ni Alyssa na VMG Asia Management. Nakiusap din ang management na huwag na sanang magkalat pa mali-maling impormasyon tungkol sa nangyari sa Kiefly.

"Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private."




"Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her," dagdag ng management.

6 na taon na magnobyo ang Kiefly na parehong namamayagpag sa larangan ng sports. Kabilang sina Alyssa at Kiefer sa Philippine National Team na lumaban at nagrepresenta para sa bansa sa SEA Games 2021 na ginanap sa Vietnam.




Sa katunayan ay kinakailangan pa ngang umatras ni Alyssa sa kanyang pwesto bilang Top 2 sa "Pinoy Big Brother Kumunity" celebrity edition dahil makakaapekto ito sa kanyang schedule para sa SEA Games.

"Dito po sa labas ng inyong bahay mayroon pong mga commitment na kailangan din po akong gampanan para po sa ating bansa. Magpe-prepare naman po ang national team para po sa nalalapit na SEA Games. Sa Vietnam po ito gaganapin and hindi ko rin po masasabi sa kung kalian matatapos kaya naman po hindi ko po magagampanan at hindi po ako makakabalik sa loob ng inyong bahay," pagpapaliwanag ni Alyssa.

No comments