24-Anyos na Lalaki, Dalawang Licensure Exams ang Naipasa!



Kakaiba nag inspiring story ng 24-anyos na lalaki na gumraduate sa Candon City, Ilocos Sur matapos niyang maipasa ang hindi lamang isa kundi dalawang licensure exams. Siya ay kinilalang si Prince Charles Agtarap Pascua. Siya rin ang kauna-unahang licensed engineer sa kanilang pamilya. Kumuha siya ng Electrical Engineer at Registered Master Electrician Board Exams nitong nagdaang Setyembre sa Baguio City.




Masaya naman siyang nag-celebrate kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

"Nung morning po, tinawagan ako ni Mama at sinabi na magbihis daw ako kasi lalabas daw kami para kumain." kwento ni Prince.

"Sinundo ako ng kapatid ko sakay ng tricycle namin papuntang bahay, nasurprise po ako dahil andun naman silang lahat, 'yung family ko. May handa pa at tarpaulin pa!" dagdag pa ni Prince.




Hindi niya inasahan na susurpresahin siya ng kanyang pamilya. Natupad na din ni Prince ang kanyang panagarap na maging isang Engineer.

Dating electric lineman ang kanyang ama habang nagtitinda ng meryenda naman ang kanyang ina bago magkapand3mya.

Inspirasyon ni prince ang kanyang ama para maging isang electrical engineer.

"Sobrang happy ko na mangiyak-ngiyak dahil sa mainit na pagsalubong at pagbati nila sakin. Unang pasok sa isip ko po eh "heto na yun, heto na yung the best gift ko para sa inyo" Heto nayung bunga ng sacrifices niyo sakin."

Nagtapos si Prince sa Don Mariano Marcos Memorial State University -Mid La Union Campus noong 2019. Nag-apply siya sa dating pinagtatrabahuhan ng kanyang ama.

No comments