Zeinab Harake, Ibinahagi Ang Grand Celebration ng 1st Birthday ng Kanyang Anak na si Bia!



Ibinahagi ng vlogger na si Zeinab Harake ang video kung saan mapapanood ang grand celebration ng 1st birthday ng anak niyang si Zebbiana Harake o mas kilala bilang Bia. Matatandaan na simula nang i-reveal niya na siya ay nag-dadalangtao hanggang sa manganak at mag-celebrate ng monthsary ni Bia ay ibinabahagi niya sa ito sa kanyang Youtube Channel.



Marami ang nakasubaybay sa buhay ni Zeinab. Hindi lubos akalain ni Zeinab na makakaya niyang gawin ang mga bagay na imposible. Ayon kay Zeinab, nagpapasalamat siya sa mga taong nananatili sa tabi niya.

"Talaga ba kinaya ko 'to mag-isa. Pero sobrang nagpapasalamat ako kay Ginger, kay Miss P., kay Mama Chad, sa Team Zebby... syempre sa sarili ko kase kaya ko pala gawin 'yung mga bagay na parang imposible na lalo na sa mga pinagdadaanan ko lately.."





Nagbigay din ng mensahe si Zeinab sa kanyang anak habang pinipigilang bumuhos ang kanyang mga luha.

"At isa lang 'yung masasabi ko sa'yo anak.. kahit anong mangyari gagawin ko lahat kahit gaano kahirap basta mapasaya lang ni mommy. Mahal na mahal kita hanggang dulo niyan. I love you, Minime."

Marami naman ang bumati kay Bia partikular na ang pamilya, mga kaibigan at fans ni Zeinab.

Narito ang video:


No comments