Pari at Madre Sana Noon, Nag-iba Ang Kapalaran Ngayon!



Magpapari dapat si Ferdinand at magmamadre naman si Ria, ngunit iba ang kanilang naging tadhana. Pangungulila sa kanyang pamilya ang naging dahilan ni Ferdinand upang magdalawang isip sa pagpapari, samantalagang si Ria naman ay nagsimula na ang proseso sa pagmamadre ng nagbago ang isip at hindi na nais pang magtuloy.



Sa unang pagkakataon na nagtagpo ang dalawa ay nag seserve si Ferdinand sa isang pari kung saan ay may binyag at si Ria naman ang Tita ng sanggol. Ang panahon na yan ay pa expire na rin ang vow ni Ferdinand sa pag papari.




Tumutol ang mga magulang ni Ria at maraming pagsubok ang naranasan nila. Nang nalalapit na ang kanilang kasal ay nagkasakit ang ina ni Ria at pumutok ang bulkang Taal, sinundan pa ito ng lockdown. Ngunit ano mang pagsubok ay sabay na hinarap ng dalawa at may kasabihan nga na "ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ninoman hahamakin ang lahat masunod ka lamang."



Ngayon ay masayang nagsasama ang mag-asawa at natuloy din ang kanilang kasal dahil nakamit nila ang basbas na kanilang inaasam.

No comments