Maja Salvador at Rambo Nuñez, Engaged Na!



Handa na ang aktres na si Maja Salvador na magpakasal sa boyfriend na si Rambo Nuñez Ortega. Inanunsyo ng aktres ang balita noong Linggo, Abril 17, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawan niyang nakasuot ng engagement ring. "My new beginning," isinulat ni Maja Salvador habang naka tag ang account ni Nuñez.




Nagbahagi rin si Nunez ng higit pang mga larawan mula sa engagement party, at nilagyan ng caption ang kanyang post: 'The best part is yet to come my love."

Mabilis namang bumati sa mag-asawa ang mga celebrity tulad nina Ruffa Gutierrez, Lovi Poe, Isabel Oli, Charlene Gonzales, Jessy Mendiola, Jasmine Curtis-Smith, at Nikki Valdez.





Kinumpirma ni Salvador noong Marso 2019 na muli silang nagkabalikan ni Nuñez. Ang dalawa ay unang nag-date noong 2010.

No comments