Lalaking Nakiki-connect Lang ng Wifi sa Kapitbahay, Nagwala Dahil Pinalitan ang Password!



Lahat ng trending ngayon ay makikita na sa internet. Mas madali nang na-aaccess ang mga bagay na hinahanap natin at mas napapabilis na ang transaksyon sa pamamagitan ng internet. Marami sa atin ang nagpapakabit na ng WiFi kaysa sa mag-load araw-araw dahil mas nakakatipid at mas mabilis pa ang internet.



Nag-viral kamakailan ang isang lalaki kung saan ay nag-amok ito ng away sa kanyang kapitbahay dahil hindi na siya maka-konek ng internet dahil pinalitan ito ng password.

Mapapanuod sa video ang isang lalaki na naghihimutok sa galit dahil napalitan ng password ang internet ng kanyang kapitbahay.

Tila nga parang hindi matanggap ni kuya na hindi na sila makaka-konek sa internet ng kanilang kapitbahay kung kaya naman ganito nalang ang kanyang galit.





"Umalis kayo dito..kung ayaw niyo ng ugali ko.. pangit ang ugali ko diba? dapat pinakinggan ninyo ako." ayon sa galit na lalaki.

Ayon umano sa may-ari ng wifi, hindi muna siya nagpapa-konek ng wifi dahil may online training siya sa kanyang inaplayan na call center dahilan ng pagkabagal at baka ito pa ang dahilan nang kanyang hindi pagka-pasa sa trabaho.


No comments