Lady Guard, Hindi Huminto sa Pangarap na Makapagtapos ng Kolehiyo; Hinangaan ng Marami!



Marami sa atin ang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral nguinit hindi lahat sa atin ay pinapalad dahil sa iba't-ibang dahilan. Karamihan ay dahil sa kakapusan. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang lady guard na kinilalang si Arlyn Rams, 27-anyos. Siya ay isang lady guard sa Bulacan State University. Dito sa paaralan din nagsimula siyang mangarap na makatapos ng kolehiyo.




"Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayong taon sa kursong BIT Major in Food Service Management at isa ring Dean's Lister, panimula ni Arlyn.

"2016 nang magsimula akong maging lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula noong 2019," kuwento ni Arlyn.

"Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil guto kong bigyan nang magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin," pagbabahagi niya.




Aminado siyang maliit lang ang naibibigay niya sa kanyang ama dahil nahahati pa ang gastusin niya sa eskwela.

"Hindi po ganun kalaki ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko, at para sa kanya, at sa pangungupahan ko ng bahay."

Nagbigay naman ng mensahe si Arlyn sa kanyang ama. "Sa tatay ko po is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sakin."

"Sana maibigay ko ag pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga. Pagtiyagaan niya lang ako kasi ito lang po yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon."

No comments