Kilalanin Ang Doktor na Anak ni Jose Manalo na si Myki Manalo!



Isang kilalang komendyante, host at aktor si Jose Manalo. Ngunit sa kabila ng mga pagpapatawa na hatid ni Jose sa marami ay isa pala siyang mabuting ama. Napagtapos niya ang kanyang anak na si Myki Manalo sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa De La Salle University sa Manila noong 2012 sa edad na 28 taong gulang. Hindi lang iyon, dahil nakapagtapos din siya ng Doctor of Medicine sa FEU-NRMF Institute of Medicine at ngayon ay lisensyadong doctor na.



Ang pag-swiswimming ang isa sa mga nakahiligang gawin ni Myki na talaga namang kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Bukod sa swimming ay mahilig ding kumanta, umarte at sumayaw si Myki.

Napabalitang nagkaroon sila ng relasyon ni Paolo noong 2012 na kalaunan ay hindi rin nagtagal at makikitang binura niya na ang mga larawan nito sa kaniyang social media account.

Tanging ang mga larawan na lamang ng kaniyang anak na si Myka Isabel ang kaniyang ina-upload sa kaniyang social media account na ngayon ay anim na buwan na.





Sa kaniyang social media account din ay makikita ang isang larawan nilang dalawa na kung saan ay ipinabatid ni Myki kung gaano niya kamahal ang kaniyang anak. Sinabi din niya na ang pagiging isang ina para kay Michaela ang isa sa pinakamagandang nangyari sa kaniya.

Bilang isang anak ay nagpapasalamat si Myki sa kaniyang ama na si Jose Manalo sa suportang ibinibigay sa kaniya noong nag-aaral pa ito.



Makikita sa isang post ni Myki ang larawan nilang mag-ama na kung saan ay may nakalakip na mensahe para dito. Saad ni Myki sa kaniyang ama na palaging alagaan ang sarali at maging masaya.

No comments