Herlene Budol, Umani ng Papuri sa Kanyang Latest Interview Tungkol sa Kanyang Pageant Journey



Marami ang sumusubaybay ngayon sa bagong career ni Herlene Nicole "Hipnj Girl" Budol. Simula nang magpasya siyang sumali sa Binibining Pilipinas hanggang sa makapasok sa Top 40 final screening ay todo ang suportang nakukuha niya sa kanyang mga fans maging sa kapwa niya mga kandidata. Kilala mang "squammy" si Herlene ay napansin ng mga netizens na nagiging mahinhin na siya sa pag kilos at pag salita.




Pinuri siya ng mga tao sa kanyang latest interview kung saan kinamusta siya sa bago niyang career ngayon. Nang tanungin siya kung sino ba ang lalaban ngayon, "Konti lang po yung tumatawag sa'kin sa Nicole. Usually po talaga Herlene, Budol, tas Hipon po. Ngayon po, parang si Nicole po ang lalaban ngayon."

Tila bago na nga ang Herlene na makikita natin dahil isa na siyang pinay beauty queen. Narito naman ang ilan sa mga magagandang komento kay herlene:




"She speaks so gentle na."

"Yung po at opo talaga di nawala na sa kanya."

"Na-aamaze ako sa ganda nya ngayon."

Si Herlene Nicole Budol, kilala rin bilang 'Hipon Girl', ay isang artista, komedyante at social media star na sumikat sa showbiz bilang contestant sa "Wowowin". Nang maglaon, naging host siya sa nasabing programa ngunit kinailangan niyang umalis dahil sa pand3mya ng C0VID 19. Ang kanyang YouTube vlog ay mayroon na ngayong mahigit isang milyong subscriber.

No comments