Herlene Budol, Sobrang Saya Nang Mabili Ang Kanyang Kauna-unahang Sasakyan!



Labis ang kasiyahan ni Herlene Budo o kilala din bilang Hipon Girl nang mabili niya ang kanyang kauna-unahang sasakyan. Hindi na rin niya napigilang maiyak dahil sa kasiyahang naramdaman nya lalo na nang mahawakan na niya ang papel ng kanyang brand new car. Isa-isa na ngang natutupad ni Herlene ang kanyang mga pangarap.




Matatandaan na nagsimula si Herlene nang sumali siya sa Wowowin at nadiskubre siya ni Kuya Wil dahil may potewntial itong maging host. Maraming napasaya si Herlene lalo na at maraming tao ang nakaka-relate sa kanyang buhay at sa pagiging simple niya.

Narito ang kanyang post sa instagram at labis siyang nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya:

Huhuhu teary eye ako pag silip ko sa Youtube Channel ko sa pag vlog ko dto sa aking bagong sasakyan at isa eto ay ang aking achievement at inabot ako agad ng 1.2M views. Malaking tulong po eto mga KaSquammy, KaHipon at KaBudol yung pag supporta at pag mamahal ibinigay nyo sa akin para sa aking Karir.

Sobra akong grateful at thankful sa inyong lahat. Answered prayer tlga and Only God answers when you least expect it! Pangako indi mag babago si Hipon girl nyo at coempre gusto ko etong kinita ko sa VLOG ay tutulong ko yan sa mga nangangailangan. antayin ko lang bakanteng sched ni Manager para tulungan ako mag facilitate.

At ciempre e vlog ko rin para solid naman pag subaybay nyo sa aking journey sa aking YOUTUBE CHANNEL ko para ma inspire ko kayo mga Hiponatics ko!! Mahal na Mahal ko kayo!! Salamat kay Manager Wilbert Tolentino walang tigil na proyekto at gig ng mga events na binibigay mo. Sobra po akong motivated dahil nakikita ko si ate inutz. napakahusay at pano mo kami disiplinahan at pag turo sa amin ang tama at sa mali. lalab mima at God bless sa atin lahat mga KaSquammy!


No comments