Herlene Budol, Emosyonal Nang Makapasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022!



Hindi napigilan ni Herlene Nicole 'Hipon Girl' Budol na maging emosyonal matapos makapasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022. Ilang sandali matapos ang final screening ng pageant noong Abril 22, inilarawan ni Herlene ang kanyang damdamin tungkol sa pagiging kabilang sa listahan ng mga opisyal na kandidato.



"Ohmygad nung tinawag ang #67 na speechless po ako at wala parin akong tigil sa kaka-iyak dto sa backstage. Salamat panginoon sa pagdinig at pagsagot sa aking mga Panalangin!"

"Mga ka-Hiponatics! Napili po ako as one of the Official Candidate ng Binibining Pilipinas 2022. Huwag nyo po akong iwan sa aking journey ah."

Pagkatapos ay isinulat niya ang kanyang mensahe sa lahat ng kanyang mga tagasuporta.



"Mahal na mahal ko kayo mga KaSquammy, KaBudol at Kahipon, Kainutz, KaFreshness, Sana mahal niyo rin ako tulad ng pag aalaga sa akin ng aking Manager @sirwil75 at nag bigay ng tiwala at pagkakataon na nakikita niya para sa aking Karera. ipagtanggol nyo ako pag may mag bash sa akin ah. Mahalin nyo ako bilang Hipon nakilala nyo sa Wowowin as TV host ah. ipinapangako ko rin na inding indi ako magbabago at inding indi po lalaki ang aking ulo."





Nagpasalamat din siya sa kanyang mga mahal sa buhay at mga taong may papel sa kanyang nagpapatuloy na pageant journey.

Si Herlene Nicole Budol a.k.a. "Hipon" ay isang komedyante, artista, at host sa Wowowin. Nagkamit ng kasikatan si Hipon nang sumali siya sa Willie of Fortune. Nagdesisyon noon si Willie Revillame na gawin siyang regular host ng show.

No comments