Estudyante, Hinimatay sa Sobrang Pagod sa Pag-Akyat sa Bundok Para Makahanap ng Signal!



Para sa pangarap ay inaakyat ng isang babae ang bundok upang makahanap ng maayos na signal. Siya ay isang estudyante mula sa Madlang, Aklan. Hindi nagpapatinag ang estudyanteng ito sa lahat ng pagsubok na dumadaan sa kanyang buhay bagkus ay mas lalo pa siyang nagpupursige. Ayon kay Genevie Gregorio, Tito ng estudyante, pangarap umano ng pamangkin niya na makatapos sa pag-aaral.




Ngunit dahil mahirap ang signal sa kanilang lugar ay kinakailangan pa niyang umakyat ng bundok. Hindi madali ang pag-akyat sa matarik na kabundukan ngunit kinakailangan niyang magpatuloy sa paglalakbay para makakuha ng signal upang makakuha ng scholarship sa Aklan States University.

Dahil sa labis na pagod sa pag-akyat sa bundok ay bigla na lamang nawalan ng malay ang estudyante. Ngunit nang makapagpahinga at nahimasmasan, imbis na bumaba na ng bundok at magpahinga ay nagpatuloy siya sa pag-akyat.




Ayon kay Genevie, nais umano ng kanyang pamangkin na makatulong sa kanyang mga magulang lalo na at pagbubukid at pag-aabaca ang hanap-buhay ng kanyang mga magulang.

Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan." ayon kay Genevie.

"Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila.” dagdag niya.

No comments