Daniel Padilla at Karla Estrada sa Opening ng Kanilang KFC Branch sa Tacloban!



Isang sikat na aktor si Daniel Padilla. Siya ay anak ng aktres na si Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Tiyuhin naman ni Daniel ang action star na si Robin Padilla. Marami ang humahanga kay Daniel pagdating sa pagiging artista. Bukod pa dito ay kinikilig din ang mga kababaihan dahil sa kanyang kagwapuhan. Marami ang sumusuporta kay Daniel maging sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo na isa ring artista.




Sa ilang larawan ay makikita ang mag-inang Karla at Daniel sa ginawang opening ng KFC Branch nila sa Tacloban City. Matatandaan na mula Tacloban si Karla.

Marami naman ang lubos na bumati sa panibagong biyayang natanggap ng mag-ina. Labis naman ang kasiyahan ng mag-ina at ito ay makikita sa kanilang mga larawan. Kasama sa opening ang kanyang pinsan na si Jordan Lim.





Matatandaan na endorser si Kathryn ng KFC dito sa Pilipinas. Ngayon nga ay natupad na nina Daniel ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling branch ng KFC.

No comments