Youtubers na Sina Junnie Boy at Vien Iligan, Ikinasal Na: "JUST GOT MARRIED"



Kilalang youtubers sina Vien Iligan at Junnie Boy. Kabilang sila sa miyembro ng Team Payaman na pinamumunuan ni Cong TV. Si Junnie Boy ay isa sa mga kapatid ni Cong na sikat din sa larangan ng pag-vavlog. Sina Vien at Junnie ay mayroon ng isang anak, si Von Maverick. Taong 2020 nang ayain ni Junnie si Vien na magpakasal.




Mapapanood ang proposal ni Junnie sa dating vlog nila noon. Marami ang labis na natuwa sa pagpapakasal ng dalawa dahil inaabangan talaga ito ng kanilang mga fans at karamihan ay mga millenials.

Sa post na ibinahagi ni Vien ay ibinahagi niya ang kanilang wedding pictures at narito ang kanyang caption, "JUST GOT MARRIED!!! #lifetimeadVIENturewithJUNNIE"





Marami naman ang bumati sa dalawang abgong kasal at nangunguna na nga rito ang Team Payaman. Very supportive naman sina Viy Cortez, Pat Velasquez at iba pang mga kasamahan nila sa Team Payaman.

Congratulations Mr. and Mrs. Velasquez!

No comments