Winwyn Marquez: "Can't wait to meet you my little one"



Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala bilang Winwyn Marquez ay isang aktres, model, mananayaw at beauty queen na kinoronahan bilang first Reina Hispanoamericana Filipinas sa na Miss Philippines 2017 pageant at kinalaunan ay nagwagi ng Reina Hispanoamericana 2017 sa Sta. Cruz, Bolivia noong Nobyembre 4, 2017.




Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management sa San Beda College Alabang, Siya ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Ipinanganak si Winwyn noong Mayo 4, 1992.

Sa kanyang instagram post ay ibinahagi naman niya ang larawan kung saan nakasuot siya ng two-piece habang kitang-kita ang kanyang baby bump. Matatandaan na kamakailan lamang nang ipaalam niya sa publiko na siya ay nagdadalang tao.





Nude colors with dried plants and flowers ang tema ng backdrop ni Winwyn sa kanyang maternity photoshoot. Marami naman ang bumati sa aktres.

No comments