Watch! Toni Fowler, Ibinahagi sa Kanyang Vlog ang Update sa Kanyang Kalusugan!



Isa sa pinakakilala vlogger sa Pinas si Toni Fowler. Siya ay kilala noon bilang isang mananayaw. Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya ang update sa kondisyon ng kanyang kalusugan ngayon. Sa vlog ay mapapanood din ang "stomach tour" na ginawa kay Toni. Sa pamamagitan ng endoscopy ay makikita kung ano ang nasa loob ng tiyan ng vlogger.



Matatandaan na kamakailan lamang nang ibahagi ni Toni sa publiko kung saan isinugod siya ni Tito Vince sa ospital dahil sa acid reffux o matinding pananakit na sikmura.

Dahil dito, hindi napigilan ng mga fans ni Toni na mag-alala at ipagdasal ang kanyang paggaling. Ani ni Toni, nais umano niyang ibahagi sa kanyang mga fans ang update sa kondisyon ng kanyang kalusugan. Dahil dito, ipinakita din niya kung paano ginawa ang endoscopy sa kanya.




"Sobrang bihira diba? Na nasa OR ka dahil sa health mo, hindi dahil magpapaganda ka, ooperahan ka para gaganda yung ilong mo," ani ni Toni.

Matapos nito ay umuwi na rin sina Toni at Tito Vince. Hindi naman napigilan ni Toni ang kasiyahan nang masilayan muli ang kanyang anak na si Tyronia.



Sa comment section ng kanyang vlog ay makikita ang maraming pagdarasal ng mga fans ni Toni sa kanyang agarang paggaling.

No comments