Watch! Rider, Dinuro-duro at Binantaang Isusumbong sa Kakilalang Pulis ng Isang Customer!



VIRAL ngayon sa social media ang isang video na ibinahagi ng delivery rider na si Anthony Antonio. Sa kanyang video ay makikita kung paano siya tinrato ng mag-ama na kanyang customer. Galit na galit ang customer sa kanya dahil sinabihan lamang umano niya na iayos ang pin location. Trabaho umano nila bilang rider na ipaayos ang Pin location ng kanilang mga customer nang hindi na mahirapan pa sa paghahanap ang susunod na magdedeliver sa kanila.




Ngunit tila hindi nadaan sa maayos na pakikipag-usap ang customer at bigla na lamang itong nagalit sa rider. Minura, binatukan, dinuro-duro ng customer si Anthony. Tumawag pa ang customer ng kakilalang Pulis sa kanyang cellphone at sinabing isusumbong niya ang rider.

Pahayag ng rider, wala naman umano siyang ginawang masama dahil pinapaayos lamang umano niya ang pin location ng cutsomer.

Sa kanya post ay sinabi niyang hindi umano nabibili ng pera ang pagkatao kaya wala silang karapatan na gawin ito sa tulad niya.




Narito ang kanyang post:

"Meron talagang mga tao na akala nila ay nabili na buong pagkatao mo dahil sa mayaman sila!!!..oo delivery rider lang po kami pero di nyo po kami pweding såktan at sabihan ng masasåkit na salita!..,ang trabaho lang po namin ay maghatid ng mga order nyo kaya sana wag nyo po kaming mumuråhin!..,wala rin pong mali sa mga sinabi ko sa inyo!..tapos may tinatawagan pa kayong pulis?!!.,di nman po ako krimïnal..mataas po respeto ko sa mga taong kailngan respetuhin pero kayo wala po kayong karapatan respetuhin ng ibang tao dahil sa napakasama nyong ugali!!!

"Delivery fee lang po ang binabayaran ninyo hindi po ang pagkatao namin!!!..

"Issue:WRONG PIN LOCATION..."

No comments