Watch! Babaeng Nag-donate ng Kidney sa Kanyang Boyfriend, Niloko at Iniwan Siya Kinalaunan!



VIRAL ngayon sa social media ang babaeng nagngangalang Coleen matapos niyang ibahagai ang istorya nila ng kanyang ex-boyfriend at lahat ng kanyang mga sinakripisyo para rito. Sa ibinahagi ng BuzzFeed Video ay mapapanood ang pahayag ni Coleen mula sa masayang relasyon nila ng kanyang ex hanggang sa iwan siya nito.



Sampong taon na umanong may chronic kidney disease ang kanyang dating kasintahan. Ayon kay Coleen, ayaw umano niyang mawalay sa kanyang boyfriend kaya naman, ibinigay na niya ang kanyang kidney. Masayang masaya naman ang lalaki at pamilya nito dahil sa ginawa ni Coleen. Kinalaunan ay nagtungo ang kanyang lalaki sa Las Vegas upang dumalo ng Party. Hinayaan lamang ito ni Coleen dahil ayon sa kanyang pagkakakilala rito ay maka-Diyos ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.



Nagtungo ang lalaki sa kanyang bahay ng walang pasabi. Namumutla at tila natatakot umano ang lalaki. At saka umamin sa ginawang pangloloko.

Dahil dito ay labis na nasaktan si Coleen. Ngunit dahil mahal na mahal niya ang lalaki ay sinubukan muli nilang ayusin ang nasirang relasyon ngunit madalas umano silang nag-aaway marahil dahil sa nawalan na si Coleen ng tiwala sa lalaki.




Hanggang sa ang lalaki na mismo ang nang-iwan sa kanya. Binlock na siya nito sa social media at hindi na ma-contact pa ni Coleen ang lalaki.

Hindi umano siya galit sa ginawa nito. Sa katunayan ay masaya na siya ngayon sa kanyang buhay lalo na at nakilala na niya ang tunay na lalaking magmamahal sa kanya.


No comments