Toni Fowler, Sinagot ang Netizen na Pumuna sa Kanyang Pagpaparetoke!



Kilalang Youtuber si Toni Fowler. mayroon na siya milyon-milyong subscribers at followers sa iba't ibang social media accounts. Sa pagiging influencer ni Toni ay marami ang mga nagbibigay ng komento sa kanya, mayroong mabuti ay mayroon ding hindi. Isang komento ng isang netizen ang hindi pinalampas ni Toni at sinagot niya ito ng isa ring komento. Ang komentong ito ay kaugnay sa pagpaparetoke niya kamakailan.




Ibinahagi ni Toni Sa kanyang youtube channel ang pagpapagawa niya ng "Fox eyes" at magpapalaki ng labi. Proud niyang ibinahagi ang kanyang pagpaparetoke lalo na at matagal na umano niyang gusto ito.

Ngunit tila may ilan na nagsasabi na mas maganda noon si Toni kaysa ngayon. Panawagan ni Toni, sana ay maging masaya na lang ang mga tao para sa kanya dahil masaya siya sa kanyang ginawa.

"Hindi k nmn po gumanda..mas maganda k dti .ung Ang tunay mong Ganda..ndi po ako basher mo..fan mo nga po ako Kya I'm telling the truth po," komento ng netizen.





Hindi naman ito pinalampas ng youtuber at sinagot niya ang netizens sa pamamagitan ng pagkomento.

"Kung fan ka talaga.. alam mong unang una palang hindi ko hinihingi opinyon mo. Pangalawa.. suporta ang dapat na ginagawa mo. Hindi side comment. Kung fan ka talaga DAPAT MASAYA KA PARA SAKIN. Di po ako basher mo fb ko to kaya im telling the truth po Haha," sagot naman ni Toni.

No comments