Solenn, Anne at Isabelle sa Kanilang Wedding Day!



Si Isabelle Diaz Daza-Semblat ay isang aktres, TV host at model. Siya ay anak ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz at Former Makati City Councilor Gabriel "Bong" Daza III. Nakapagtapos si Isabelle sa De La Salle University at nagtrabaho bilang preschool teacher at kinalaunan ay pinasok na ang mundo ng showbiz. Febrero 2016 nang kumpirmahin ang kanyang engagement kay French businessman Adrien Semblat, boyfriend niya sa loob ng pitong taon. Ikinasal sila noong Setyembre 10, 2016 sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy. April 1, 2018 nang isilang niya ang kanilang anak na si Balthazar Gabriel Daza Semblat. Desyembre 2020, nang inanunsyo ni Isabelle na magkakaroon muli sila ng anak at April 9, 2021 nang isilang niya si Valentin.




Si Anne Curtis ay isang aktres, model, TV host, entrepreneur at recording artist. Kaliwa't kanan ang mga natanggap niyang award sa pagiging artista. Desyembre 2016 nang ma-engage si Anne sa kanyang longtime boyfriend, restaurateur at food blogger na si Erwan Heussaff. Ikinasal sila noong Nobyembre 12, 2017. Marso 2, 2020 nang isilang niya ang kanilang anak na si Dahlia Amélie.





Si Solenn Marie Adea Heusaff-Bolzico ay isa ring aktres, TV host, model, fashion designer, painter, at professional make-up artist. 2012 nang makipag-date si Solenn sa Nico Bolzico, Argentine businessman. Desyembre 2014 nang inanunsyo ng aktres na siya ay engaged na kay Nico. At Mayo 21, 2016 nang sila ay ikasal sa Combourg, France. Agosto 2019 nang ianunsyo ni Solenn na siya ay nagdadalang-tao. At Enero 1, 2020 nang ipanganak niya si Thylane Katana sa St. Luke's Medical Center sa Taguig.

No comments