Robin Padilla, Hindi Makapag-focus sa Trabaho Dahil sa Pag-aalala Kay Mariel!



Labis ang pag-aalala ng aktor at tumatakbong Senador na si Robin Padilla sa kanyang misis na si Mariel. Ayon kay Mariel, hindi na umano makapag-focus si Robin sa kanyang mga ginagawa dahil sa pag-aalala. Kinansela pa ni Robin ang ilang mga appointments niya para masamahan lamang sa pagpapacheck-up si Mariel. Narito ang kanyang post sa instagram:




"Ear Day!!! Ear Date!! I have been complaining about my ear and @robinhoodpadilla has been so worried he said he could not concentrate anymore with the things he had to do (wala daw kami magagawa ang tigas daw kasi ng ulo ko were his exact words) so he cancelled appointments and brought me to the hospital for the whole 9 yards… ct scan, xray and ent!!! After 37 years… lesson learned. Do not make kulit your ears."




Kuwento ni Mariel, mahilig umano siyang maglinis ng tainga pagkatapos niyang maligo. Dalawang beses sa loob ng isang araw naliligo si Mariel kaya dalawang beses din nilang nililinis ang tainga. Sinubukan pa umano niyang gumamit na pamunas para linisin ang tainga ngunit pakiramdam niya ay marumi pa rin ito. Kaya naman pinagpatuloy niya ang paggamit ng cutton buds sa paglilinis ng kanyang tainga.

No comments