Pinoy Seaman, Nalulong sa E-Sabong; Umabot sa 2-M ang Naubos!



Labis ang pagsisi ng isang PInoy Seaman matapos niyang ubusin ang pera na umabot ng P2-M sa pag-E-sabong. Ayon kay "CJ", hindi umano niya mapigilan ang sarili sa pagtaya sa E-sabong. Kahit na pinipigilan na siya ng kanyang mga kasamahan sa barko ay tuloy pa rin ang kanyang pag talpak. Maging ang kotse na ibinigay sa kanya ng kanyang ina ay wala na rin.




Iniwan na rin siya ng kanyang misis dahil sa kanyang ginawa. Wala pa siyang maibigay na pang gatas at pambili ng gam0t sa anak niyang may såkit.

Aminado siyang na ang mahiråp sa pakiramdam na wala siyang maibigay sa anak samantalang dati ay malaking pera ang inilalabas niya sa E-sabong. Baon na rin si "CJ" sa utang dahil sa pag talpak. Nangako naman siyang babawi siya sa sisikapin niyang makabangon muli.





Nananawagan siya sa pamahalaan na tanggalin na ang E-sabong dahil baka may mga taong matulad sa kanya. Mahiråp umano kasing pigilan ang sarili sa pag E-sabong.

No comments