Pinay sa Ukraine, Umiiyak Habang Kinakausap ang Kanyang Baby!



Maraming kababayan natin ang naipit sa giyëra sa pagitan ng Russia at Ukraine. Isa na lamang ang Pinay na si Rhea Ramos Taibova na nakapangasawa ng Ukranian. Naging em0syonal siya sa gitna ng pambob0mba ng Russia sa bansang Ukraine. Sa video clip ay makikïta kung paano kausapin ni Rhea ang kanyang sanggol na anak habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata.




Nagkaroon ng pagkakataon si Rhea na makaalis sa bansang Ukraine ngunit ayaw niyang iwan ang kanyang pamilya. Sa anak at mister niya kumukuha ng lakas si Rhea.

"Marami ang nagtatanong kong paano ko na susurvived ung ganitong sitwasyon, kong ano ung nagpapalakas ng loob ko para ipagpatuloy ang buhay, walang iba kundi ang anak ko, asawa ko, pamilya at mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta at nananalangin para sa kaligtasan namin."




Inamin niyang umiiyak na lamang siya sa mga nangyayari sa bansang Ukraine at sa kanilang sitwasyon ngayon.

"Gumigising ako araw-araw na umiiyak habang nakatitig sa mag ama ko but very thankful kay God at the same time kasi He has given us another day, another life. God is really good, alam kong di nya kami pababayaan."

Kasalukuyang nag-imbak ng supply sina Rhea sa basement ng kaniyang biyenan. Kasama niya rin ang isang Pinay at mister nito sa tinataguang basement.

No comments