Netizens, Nag-aalala sa Tuloy-tuloy na Pangangayayat ni Kris Aquino!



Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang instagram post ang video kasama ang ilang health workers na tumutulong sa kanyang pagpapagaling. Sa labis na pagbagsak ng katawan ng aktres ay pibipilit niyang magpakatatag at magpalakas para sa kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh. Sa ngayon ay nasa 38.k kg na ang kanyang timbang. Pinasalamat ni Kris ang mga taong nariyan para sa kanyang pagpapagaling.



Sa ulat na inihayag ni Cristy Fermin ay sinabi niyang nag-aaalala ang mga fans ni Kris sa kalusugan nito at sa tuloy-tuloy na pangangayayat nito.

"Ang kanyang katawan ay manipis pa rin, hindi pa nadadagdagan ang kanyang timbang, isang matinding pag-aalala 'yun para sa kanyang mga tagasuporta dahil tuluy-tuloy ang pangangayayat niya," aniya.

Kahit na kaunting alikabok lamang ay naglalabasan na umano ang mga allergies ni Kris ayon kay Cristy.





"Ang mga allergies na lang niya ang sinisikap pang tuntunin ng mga espesyalista kung saan nanggagaling. Sobrang sensitibo ng kanyang katawan, kaunting alikabok lang ay sapat na para maglabasan ang kanyang allergy, kasunod ang pamamaga ng kanyang mukha."



"Sana nga ay umayos na ang kanyang kalusugan sa mga darating na araw, magkaroon na sana ng saysay ang kanyang salapi para sa pagbabalik ng dati niyang sigla, ‘yun ang hiling ng ating mga kababayan."

No comments