Magkasintahan, Kapwa Magna Cum Laude at Parehong Topnotchers sa Licensure Examination for Teachers!



Marami ang humanga sa magkasintahang sina Jhane Eyre Marie Olmedo at Jonel Gallaza dahil sabay silang nakapagtapos sa kolehiyo bilang mga guro. Nagtapos si Jhane sa kursong Bachelor of Science in Education, Major in Biological Science habang si Jonel naman ay Bachelor of Science in Education, Major in Mathematics.



Kapwa nagtapos ang magkasintahan bilang magna cum laude sa Leyte Normal University. At ngayon nga ay pareho silang nakasama sa Top 10 ng Licensure Examination for Teachers o LET. Taong 2019 nang makuha ni Jonel ng ikawalong puwesto habang nasa ikatlong puwesto naman si Jhane sa katatapos lang na January 2022 LET.

Pagbabahagi ni Jhane, literal na tears of joy ang naramdaman niya noong makita ang pangalan sa listahan ng mga pumasa sa nasabing examintaion. 




Hindi umano niya inaasahan na mapapasama din siya sa top 10 ng exam katulad ni Jonel.

Noong naghahanda siya para sa examination ay naranasan pa ni Jane ang face-to-face review ngunit nang mag-pand3mic, nag-switch sila sa online.




Amindo siya na måhirap umano ito para sa kaniya dahil kailangan ng mas mahabang pasensya at focus sa pag-review.

No comments