Julia Montes, Naiyak sa Tuwa sa Pa-Birthday Surprise ni Coco Martin!



Si Julia Montes ay isang sikat na artistang Pilipino na nagpahinga muna sa showbiz para makasama ang kanyang ama sa Germany. Ilang taon na rin siyang na-link dati sa Kapamilya star na si Coco Martin. Hindi napigilan ni Julia Montes na maiyak at maging emosyonal matapos sorpresahin siya ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin sa isang intimate birthday party.



Sa Instagram, ay makikita ang ilang cast at staff members ng Ang Probinsyano ang nag-upload ng mga video at larawang kuha sa birthday celebration ni Julia. Sa mga video at larawan, makikitang umiiyak ang 27-anyos na aktres matapos makitang binati siya ng lahat ng happy birthday.

Gayunpaman, ang pinagtilian ng mga tagahanga ng CocoJul ay isang larawan na nakuhanan ng matamis na sandali sa pagitan nina Julia at Coco.





"Halaaaa, grabe yung hinanda ni Direk Coco for Juls. Parang pang-debut lang ang peg, stay in love both of you," ani ng isang netizen.


Kapansin-pansin na matagal nang napapabalitang mag-asawa ang dalawa, gayunpaman, hindi pa rin sila pormal na kinukumpirma o natutugunan ng magkabilang panig. Habang sina Julia at Coco ay nanatiling walang imik tungkol dito, sila ay nakitang magkasama sa hindi mabilang na mga okasyon.


No comments