Jennilyn Mercado, Proud na Ipinakita ang Kanyang 30-week Baby Bump!



Kamakailan lamang ng kumalat ang balitang nagdadalang-tao ang aktres na si Jennilyn Mercado sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo. Kinumpirma rin nila ito at masayang ibinahagi ang kanilang pinagdaanan bago mabiyayaan ng baby. Sa isang vlog na ibinahagi ni Jennilyn sa kanyang youtube channel, ay ipinaalam na rin nila sa publiko ang gender ng kanilang baby.



"...And it's a Baby Girl!"

Masayang masaya ang mag-partner sa biyayang kanilang natanggap gayundin ang kanilang supporters at fans na palaging nakasubaybay sa kanila.

Sa isang instagram post ay proud na ibinahagi ni Jennilyn ang kanyang larawan. Ito ay kuha ni Dennis at makikïta ang 30-week baby bump ni Jennilyn.






"30th week swimming with my girl!” ani ng aktres sa kanyang post.

Marami naman ang nagkomento kabilang na ang mga sikat na aktres.

"Awww excited na ako makita ka inaanak ko. stay safe mare," komento ni Marian Rivera.

Chynna Ortaleza: “Ganda ganda!”

Sheena Halili: “Cute niyo”

Maricris Garcia: “Gandaaaa”

No comments