Ina, Ibinenta ang Anak Para May Pang E-Sabong!



Isang nanay sa Nagpayong, Pinagbuhatan Pasig City ang humihingi ng tulong na mabawi ang 8 months old na anak. Ibinenta niya ito noong March 3, 2022 sa Facebook Group na Bahay Ampunan sa halagang P45, 000. 00. Ayon sa nanay, ibenta nya ang kanyang anak dahil stress at sa dami ng utang at nagkaroon sila ng kontrata at nag-meet up sa Quezon City.




Ngunit nagbago ang isip nito at muling kinontact ang umampon sa kanilang anak, ngunit matapos makita ang message nito ay blinock na siya.

Ayon sa ama ng bata, hindi raw niya alam na ibinenta ang kanilang bunsong anak. Sa pagkakaalam nito ay may kikitaing kaibigan ang asawa kasama ang panganay na anak at bunso. Ngunit pag-uwi nito laking gulat nya na panganay na anak na lamang ang kasama nito na may dalang pera at bagong cellphone.





Nang aminin na ng kanyang asawa na ibinenta nito ang kanilang bunsong anak. Ay kumaripas ng takbo ang lalaki palabas ng bahay nila at humingi ng tulong sa kaniyang tiyahin.

Sa labis na pagsisisi ng ina ay lumapit sila sa programang ka-uzi, upang manawagan na mabawi ang kanilang anak at handang ibalik ang pera.

No comments