Col. Baula, Isinalaysay ang Umano'y Dahil ng Pananakit ni Kit kay Ana!



Isinalaysay ni Tagaytay Police Chief Lt. Col. Rolando Baula sa panayam ng mga media bureaus, ang mga natuklasan sa kanilang imbestigasyon. Kinumpirma ni Col. Baula na nag-check-in nga ang aktor na si Kit Thompson at ang aktres na si Ana Jalandoni sa isang hotel at ikinuwento kung paano ito nagsimula sa pag-uusap nilang dalawa, na parehong lasing na umano.



Nakilala si Kit Thompson sa showbiz pagkatapos sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Pagkatapos ay nakakuha siya ng ilang tungkulin sa showbiz sa parehong taon.

"Nakakaramdam na yung babae ng hindi maayos, kaya tinawagan niya yung friend niya, kaso nga alng, yung pagtawag niya sa friend niya ay poor signal, kaya umakyat siya dun sa 3rd level ng hotel... siguro matutulog siya dun. Nung makita na siya ng lalake, binuhat siya, dinala siya sa room nila, dun na nag-start yung panggugulpi."




"Parang jealousy...parang yung ang lumalabas, pinag-ugatan nung panggugulpi"

Viral ang mga larawan ni Kit Thompson na nasa loob ng kulungan dahil sa umano'y panånakit sa kanyang kasintahan na si Ana Jalandoni. Makikita ang aktor na nasa rehas, nakasuot ng maitim na sando at naka jeans.

Lumabas ang balita ng umano'y pananakit noong Marso 18, Biyernes, ng umaga, matapos umanong humingi ng tulong si Ana. Iniligtas siya ng Tagaytay PNP mula sa tinutuluyan niyang hotel.


Naglabas na ng opisyal na pahayag ang talent management ng aktor na si Kit Thompson hinggil sa pagkakasangkot umano ng aktor sa isang insidente sa Tagaytay. Nabatid sa pahayag na nakatanggap sila ng impormasyon sa umano'y pagkakasangkot ng aktor. Binanggit din nito na kailangan pa rin nilang makatanggap ng pormal na ulat sa diumano'y insidente, kaya't hindi pa rin sila makakasagot o makapagkomento sa usapin. Ang hiling ng kampo ng aktor ay maging maingat ang publiko sa paghahatol.

No comments