Angelica Panganiban, Halos Mabaliw Nang Malamang Nagdadalang-Tao Siya!



Samu't-sari ang emosyon na nararamdaman ngayon ng aktres na si Angelica Panganiban. Mula sa kanyang mga past relationships hanggang sa maging boyfriend si Gregg Homan at magkaroon sila ng baby.

"MABABALIW ako! Ito ang nasambit ni Angelica Panganiban nang malamang nagdadalang-tao na siya sa panganay nila ng kanyang boyfriend na si Gregg Homan.



Base sa maikling video clip na ipinost ng kanyang kaibigan na si Alora Sasam, kitang-kita ang pagka-shock ni Angelica nang makumpirmang buntis na nga siya.

Sh!t, kaya ko ba magpalaki ng bagets?" ang hirit pa ng aktres habang naiiyak na sa sobrang kaligayahan matapos makita ang resulta ng kanyang pregnancy test.

Tanong sa kanya ni Alora, Happy ka? na sinagot ni Angelica ng, Hindi ko pa alam. Mababaliw ako!"

Pag-amin pa ng future mommy, Gusto ko 'to, pero natatak0t ako! S***, kaya ko ba? Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?"




Narito naman ang caption ni Alora sa kanyang IG post na kinunan daw last Febraury, Nong ipapatawag mo sa anak mo sayo? @iamangelicap: Ang Mamah.

"Nagpost na ang Mamah, pwede ng maglabas ng resibo. "Congratulations madam!!! Isang karangalan na mapasama sa araw na nalaman mo ang napakasayang blessing na ito."

"Chuskopo gigil pa ng yakap ko sayo pagkita natin sabay buhat pa, bago mo ipakita sa akin ang ebidensya. Sakit panga ko kakangiti habang pinagmamasdan kang in shock, iyak-iyak, excited, di mapakali na ewan."



"At hirap itago ah! Excited pa naman akong makatrabaho ka ulit (top reason ka bakit tinanggap ko diba? Lamoyan!) pero kebs na dahil kapalit nun ang matagal mo ng pinapangarap. Marami kaming prayer warriors mo."

"Stay healthy and have a happy roller coaster paglilihi. i love you kaayo as in. haaay Ang saya saya!!!!!! May susunod na kabanata na ang… Ang Alamat ni Angelica Book 2."

Nauna nang inanunsyo ni Angelica ang good news sa pamamagitan ng kanyang IG account kalakip ang litrato nila ni Gregg Homan na kuha sa isang beach resort, "Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako."

"Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis," ang excited pang pahayag ng aktres.

No comments