Angel Locsin, Hinangaan Dahil sa Pagiging Mabuting Kaibigan Nito Kay Kris Aquino!



Ipinahayag ng talent manager at broadcaster na si Ogie Diaz ang kanyang paghanga sa aktres na si Angel Locsin sa pagiging mabuting kaibigan ng aktres at TV host na si Kris Aquino. Sa kanyang "Ogie Diaz Showbiz Update" YouTube account, pinag-usapan nina Ogie at Mama Loi ang post ni Kris sa social media.



Matatandaang sa nasabing post ay nakitang ipinakita ni Angel ang kanyang suporta kay Kris habang nasa ospital ito habang sinasamahan siya. At hindi lamang kay Kris nagpakita ng pagmamalasåkit si Angel kundi sa dalawang anak ni Kris na sina Bimby at Josh.

"Sa recent post niya, anduon si Angel Locsin sa hospital… Kasama niya, nagpapaka-mommy daw sakanilang tatlo ni Bimby tsaka ni Josh…" ani ni Mama Loi.





"Oo nga, ang cute 'no. bigla akong natuwa kay ano, actually nuon pa naman ako natutuwa kay Angel Locsin. Pero yung pinapakita niya talagang parang ang sarap niyang kaibigan. Yung hindi ka niya iiwan hanggang dulo. Tsaka yung hindi siya yung pala-announce kung ano yung nagawa niyang tulong or kabutihan sa kapwa," ani ni Ogie.

"Yun nalang mismong taong tinutulungan niya ang nagsasabi kung gaano siya kabuting tao. At dito napatunayan natin at napatunayan ni Kris Aquino kung gaano kabuting tao si Angel at talagang ipinagmamalaki niya bilang kaibigan."



"Parang nakakatulong din kay Kris na may taong nagaalaga sa dalawa niyang anak at pati siya inaalagaan, so hindi siya dapat bumigay… may mga taong naniniwala at maraming tao ang nagdarasal sa pag galing niya, kaya hindi siya dapat bumigay," dagdag ni Ogie.

No comments