Yamyam Gucong, Ibinahagi Ang Larawan Ng Kanyang New Born Baby Girl!



Pinusuan ng marami ang latest post ni PBB otso "Grand Winner" Yamyam Gucong sa kanyang istagram. Isina-publiko na ni Yamyam ang kanilang bagong silang na sanggol. Matatandaan na kamakailan lamang ay nagyaya ng kasal si Yamyam sa kanyang fiancée na si Elaine.

Base sa viral photo, makïkita ang mala-anghel na mukha ng bagong silang na baby girl na si Aliah Kaye. Ayon kay Yamyam, "Ali" umano ang palayaw ng kanyang anak.




"Welcome to the outside world baby ALIAH KAYE (baby ALI)," ani ni Yamyam sa kanyang instagram post.

Marami naman ang bumati sa magpartner na sina Yamyam at Elaine dahil sa blessing na kanilang natanggap. Isa na sa mga bumati ay ang kanyang kapwa ex-housemate na si Lou.




"Congrats kuya Yam and Elaine," ani ni Lou sa kanyang komento.

Si Yamyam ay isa sa mga pinaka kilalang housemate noon sa PBB: Otso. Pinusuan siya ng marami dahil sa pagiging mabuti nito at friendly sa mga housemates. Na-inspire din ang marami sa kanyang kuwento.

No comments